Paru-Paro sa Dapit Hapon

by Kriserima | shared on He Said, She Said |

Padilim na naman at gumagabi.
Lumalamig ang ihip ng hangin,
Tila bang may isang bagyong darating.
Isang unos sa buhay na puno ng pagdarahop.

Pumatak ang ulan katulad ng isang luha ng pusong sugatan.
Malakas at nagngangalit.
Katulad ng galit nang pusong napuno ng sakit.
Di makalabas ng bahay at nagmumukmok,
Dahil may bagyong sinalanta ang kanyang puso at damdamin.
bunga ng sakit at pighati ikay naidlip,
Nang ikay nagising di namalayang sumikat na pala ang araw.
Tapos na pala ang bagyo at sakit na dulot nito.
Sinalanta man nito ang iyong puso,
Ikay bumangon at naglakas loob muli
Na ipagpatuloy ang daloy ng buhay.
Dahil alam mong Sisikat muli ang araw.
Uusbong ang isang bulaklak.
At sa araw na iyon
May isang paru parong dadapo sa isang bulaklak sa dapit hapon.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments