Isang Mensahe

Isang Mensahe
ni K&K
 
Mahal, hindi ko alam kung saan ko sisimulan,kung sa mensahe ba noong tayo ay nagsimula o sa mensaheng iyong ipinadala noong ang salitang tayo ay nawala?
 
Ang isang mensahe ay nasundan ng libo libo at dahil dito nakabuo tayo ng pangarap. Pangarap na tayo ay magsasama magpakailanman. Mga pangarap na gustong gusto natin maabot at ang mga yon ang aking pinanghahawakan.
 
Mahal, akala ko ba ikaw ay hindi lilisan?
 
Iyo bang naaalala mga pangako mo na kay sarap pakinggan? Mga pangako na handa nating harapin ano mang pagsubok o pati na si kamatayan.
 
Ngunit ito ay natapos sa isang mensahe na iyong ipinadala. Na nagsasabing ako na ay iyo ng iiwan. Nagmakaawa ako na huwag kang lilisan. Ngunit iyo lamang nasambit ay ang salitang, “Patawad at kung hindi ako aalis ikaw ay lalong masasaktan.”
 
Mahal, hindi ko man alam kung ano ang dahilan. Hindi mo binigyan ng pagkakataon na ito ay aking malaman. Wag kang mag-alala mahal ito ay aking kakayin kahit pa abutin ng ilang buwan.
 
Pero sana mahal sa susunod na mensahe na iyong ibibigay ay maglalaman ng ako’y iyong mahal pa. At ako ay handang bumalik dahil ikaw ay mahal na mahal pa.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments