Kaibigan Lang Pala

by Rocel Remegio on He Said, She Said |

Hanggang magkaibigan na lang ba tayo?
Sikreto kitang minamahal kasi ayokong masaktan,
Masaktan na lagi na lang nangyayari sa akin,
Tuwing ako’y iibig sa maling tao…

Una kitang minahal pero sa huli
Kaibigan ko pala ang iyong tinatangi
Pilit kong iniintindi
Ang katagang, “Bes, maling tao ang minahal mo.”

Nagsimula sa bes, beshy, at bestie
Hanggat ng lumaon pangalan mo na lang ang aking nababanggit
Kasi ayokong umasa, kasi sa huli ako ay talo,
Kung ako lang ang susugal hanggang sa dulo.

Alam nila, alam ng lahat na mahal kita,
Pero susuko na ako
Hindi dahil wala nang nararamdaman ang puso,
Bagkus, tanggap ko na ang mga katagang, “mag-KAIBIGAN LANG PALA” tayo.

Sabi nga sa linya ng isang pelikula,
“Kung nandiyan siya,nasaan ako? Nasaan yung lugar naming gustong magmahal sa’yo?”
Masakit isipin at masakit ding pakinggan,
Na ako’y minamahal mo lang bilang isang kaibigan.

Sabi ng iba masarap magmahal ng isang kaibigan,
Pero ito rin ang dahilan kung bakit mo siya iiwasan.
Kasi sa dulo, alam mong hindi ka masusuklian,
Nang minimithi mong pag iibigan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments