Kapag Sinabi Ko Bang Mahal Kita

by Squire Narvasa | shared on He Said, She Said |

Ilang beses ko na itong iniisip.
Masyado na akong naiinip.
Hindi na nga ako makaidlip.
Tila hangin ngayo’y iba na ang ihip.
Kaya ngayon lalakasan ko na ang loob ko,
At itatanong ko na sa’yo.
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Makikita ba kitang nakatawa?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Pagkatapos noon ako’y liligaya?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Parehas kaya tayo ng nadarama?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Sasabihin mo kayang mahal mo rin ako?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Palagay mo ba magiging tayo?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Ang sagot mo agad ay oo
Kahit hindi ko pa natatapos ang talumpati ko,
O kahit hindi ako marunong manligaw o manuyo?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Yayakapin mo ako ng sobrang higpit
Hanggang sa hindi na ako halos makahinga sa sobrang lapit
Natin sa isa’t isa,
At malilimutan natin na naroon tayo sa kalsada at pinagtitinginan nila?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Tatakbo ka ba paroon sa akin
Habang iyong mga luha’y bumubuhos ng sobrang lakas,
Dahil sa nag-uumapaw na saya na hindi mo mailabas,
Daig pa ang hampas ng ulan at hangin na kumakaripas,
Pinapamalas ang kanyang bagsik na walang kupas?
Kapag sinabi ko bang mahal kita,
Sasabihin mo rin sa akin ng buong puso’t damdamin
Ang iyong saloobin na ako’y mahal mo rin?
At hahalikan mo ba ako kasi nananabik ka na makapiling mo ako,
At nais mong malaman kung parehas ba tayo kasi ang sagot ko ay oo.
Oo sa kahit na anong lenggwaheng alam ko.
Oo kahit pa bigkasin ko ito sa harapan ng napakaraming tao.
Oo pa rin ang sagot ko kahit sa harap pa ng pari o obispo.
Oo at oo ang isasagot ko kasi mahal kita.
Mahal na mahal.
At dahil nasabi ko nang mahal kita sana naman sinta ay maging akin ka na,
Dahil matagal na akong iyo.
Sa’yo lang ako.
Sana mayroon ding “tayo.”

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done weekly. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments