Kilala mo ba ako?

by Kenworth Nepomuceno | shared on He Said, She Said |

Ang mata ko’y unti unti kong dinilat
Ako ngayon ay nasa isang gubat
Na kung saan ang araw ay hindi na sumisikat
Ngunit ang pawis ay tagaktak sa aking balat
Sapagkat ako’y mabilis na tumatakbo
Tumatakbo? Tumatakbo ako papalayo
Mabangis, mabilis, at maitim na aso
Natatakot ako dahil isa itong malaking lobo
Pinagmasdan ko ang aking sarili
Ako’y nakasuot ng kulay puti
Ngayon ako’y nagtataka kung bakit ako napili
Nangingig ang bawat kamay at labi
Konting oras na lang ata
Dahil hinahabol ko na ang paghinga
Malapit ng bumigay ang aking mga paa
Ngunit ako’y napatid sa batong nakakapit sa lupa
Bumagsak ang aking katawan
Gumulong sa mga batuhan
Ang paa ko na ay sugatan
Isa lang ang nasa aking isipan
Nariyan na siya sa aking likuran
Sa aking pagharap
Mga mata niya’y kumislap
Alam kong ito na ang aking katapusan
Biglang tumalon ang lobo at ako’y sinunggaban
Ako’y napapikit at malay ay nawalan
Sa pag-gising, ako’y nabuhayan
May tanong ngayon sa aking isipan
Sino itong nasa aking harapan?
Bakit parang ako’y kinatatakutan?
Bakit siya lumalayo?
Bakit siya tumatakbo?
Hinabol ko siya para kausapin
Ngunit pinili niya pa rin lumayo sa akin
Hindi ako susuko
Ipapakita ko na mabait ako
Lalaking nakaputi, ako’y hintayin mo
At siya’y biglang nadapa
Sa batuhan doon siya napunta
Pagkakataon ko na ito
Para ipakita na mabait ako
Para ipakita kung ano ako at sino
Teka lang
Teka lang po
Ako po’y medyo nalilito
Sino nga po ba ako?
Ang lalaking tumatakbo?
Na dahil sa takot ay pumiling lumayo
O ang isang maitim na lobo?
Na ang tingin sa kanya
Ay nakakatakot at masama
Ngunit ang katotohan
Maputi at mabuti ang kalooban
Sino nga ba ako?
Medyo nalilito ako
Ikaw na nagbabasa nito
Kilala mo ba ako?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments