Kabado

by Erica Rose Chan | shared on He Said, She Said |

Minsan pala’y hindi lahat ng gusto ko, sasaya ako
Kadalasan, ako’y natatali sa mga sitwasyong hindi ko inaasahan
Oo mahal niya ako, mahal ko siya
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at kami’y bawal talaga

Minsan pala’y ako’y napapatanong sa aking sarili
Ngunit kahit ako, ninuman, hindi rin pala alam ang sagot
Nagmumuni, nag-aantay kung ano ang maaari
Wala, walang maisip, walang imahinasyon, lahat hanggang tanong

Minsan rin pala’y ang lahat ng bawal ay hindi masarap
Sa una lang pala ayun, nakikiliti ka, napapakilig ka
Kinalaunan, sakit, walang hangganang katanungan, walang kasing lupit

Minsan rin pala’y ako’y napapagod
Nababalisa at nagdadalawang-isip na ipaglaban ang mga katanungang ni ikaw walang maisagot
Napapayuko na lang sa paghihirap na nadadanas
Loob ko’y durog na durog na, ewan na lang kung makikita ito sa labas

Minsan pala’y hindi lahat ng bagay kaya kong ipaglaban
Ayoko na, ayoko na, hindi ko na kaya
Mahirap rin kung ako’y namimili sa dalawa kong mahal
Ayoko na, ayoko na, hindi ko na kaya
Sana’y heto, maisasabi ko sa ‘yong harap-harapan

Hindi sa hindi kita mahal
Hindi sa ayoko na itong tumagal
Kaya lang heto ako, kailangang mamili
Heto ako, nagiging palaisipan pa rin ang salitang “tayo”
Heto ako, nananatiling kabado.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments