Kurtina ng Bintana na Nakasara

by Eadric Lawrence Canceran | shared on He Said, She Said

Nasanay sa k’wartong
May tahimik na kantong
Kinauupuan,
ng weirdong nilalang

Isang kahon na madalang
Ang liwanag na matatanaw
Di pa niya nararanasan
Langhapin ang hanging may ilaw

Ngunit sino ‘tong natatanaw
Sang istorya na siya naligaw
Isang kislap na nagliyab
Biglang bagal ang ‘sang iglap
Di niya din mapaliwanag
Ano nga ba ang magsasagisag-asa

Ang kadilimang nababasag
Ang dilim na nagliliwanag
Di mawaring kung iilag
Isa nga ba itong bitag

Isa nga ba itong bitag
Di mawaring kung iilag
Sa dilim na nagliliwanag
Sa kadilimang nagaalab

Marami akong kinatatakutan
Pero
Sanay ako sa aking kadiliman

Unang pagtaas ng layag
Sana alon ay banayad
Naaninag ang liwanag
Utak ano na ang balak?
Lilipad na lang sa ulap?
Puso ano na ang amat?
Lagi kang nababagabag
Sino ba ang magtutulak

Puso ba o aking utak?
Sana kayo ay magusap
‘Wag niyo akong ipahamak
Takot sa sugat na lalamat
Ano na inyong balak
Tatlo tayo na may sayad
Tatlo tayong magbabayad
Kaluluwa kong kawawa

Sakit na nakakaakit
na hatid ay sakit
Paulit ulit sa sarili ay binabanggit
Sakit na nakakaakit
na kapalit ay sakit
Paulit ulit sa sarili ay binabanggit
Sakit na nakakaakit
na bitbit ay sakit
Paulit-ulit sa sarili ay binabanggit.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments