Maalala mo pa kaya ako

by Dominic Ignacio | shared on He Said, She Said |

Minsan nang nagkaroon ng ikaw at ako
Minsan na ding nawala ang salitang tayo
Nawala man ako sa tabi mo
Na siyang pag palit ng ibat ibang tao sa paligid mo

Nakakalungkot lang malaman
Na kahit ako man ay nahihirapan sa ating kalagayan
Wala akong magawa kung hindi hayaan
Ng di na magulo ang pagikot ng kapalaran

Bumalik man ang salitang tayo, ay patutunayan
Na hindi lang ako sa simula may paninindigan
Na sa simula hanggang huli kaya kong ipaglaban
Ang bawat araw na sating nagdaan na hindi natin dapat kalimutan

Pero sa oras na ito, ako muna dito
Laban ko muna ang sa sandaling mga oras na ito
Para mapatunayan ang pagkatao ko
Sakin muna to kasi para satin to

Sa dinami dami ng taong nakakasama mo
Maging masaya ka man sa lugar na natagpuan mo
Makalimutan mo ma ang pangalan ko
Nandito lang naman ako

Maalala mo pa kaya ako
Sa mga oras na ikaw ay may kasamang iba
Mga panahon na ako ay nagiisa
Habang inaalala ang pangalan mo

Maalalan mo pa kaya ako
Sa mga oras na ikaw ay nalulumbay
Na dati’y tayo ay magkahawak ng kamay
At sabay naglalakbay

Maalala mo pa kaya ako
Sa simpleng ginagawa ko para mapasaya ang tulad mo
Mga bagay na alam kong siguradong ikakatuwa mo
Na sa ilang buwan ay nagagawa ko

Maalala mo pa kaya ako
Sa dinami daming taong may gusto sayo
Magkaroon pa kaya ako ng lugar sa puso mo
Maalala at muling mahalin ang tulad ko

Maalala mo pa kaya ko
Sa mga araw na tayo ay nagkakasama
Naging masaya at kita ang pagkakaiba
Ng mga bagay na sa atin nagsimula

Maalala mo pa kaya ako
Pag sinabi ko ang pangalan ko
Pagkatapos ko hawakan ang mga kamay mo
At tititigan ang mga mata mo at sasabihin ko ang pangalan ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments