Maganda Ka

maganda-ka

[To all the girls out there,take time to read this ]
“Maganda Ka”
ni Shazney Quijas

Hindi ka Tanga
Masyado mo lang nilunod ang sarili mo sa mga kataga niya na hindi siya mawawala.
Hindi ka pangit
Mas gusto niya lang talaga ang babaeng mahilig magpaganda at damit na punit-punit.
Hindi ka kapalit-palit
Masyado lang siyang nabulag sa mga babaeng nakasuot ng pekpek short.
Hindi ka nagkulang
Mas gusto niya lang talaga yung babaeng walang pake sa lahat ng ginagawa niyang kalokahan.
Huy! Ikaw! Oo ikaw!
Ikaw na nagbabasa nito
Ikaw na babaeng nasasaktan pa rin hanggang ngayon
Ikaw na umaasa pa rin na babalik siya pagdating ng panahon
Gusto ko lang sabihin sa’yo na WORTH IT KANG IPAGLABAN, at HINDI BITAWAN.
Masyado kang maganda para mapunta sa lalaking hindi makita ang tunay mong halaga.
Kung gusto niyang umalis hayaan mo siya, kung pagod na siya, ‘wag mo ng ipilit pa.
‘Di siya kawalan para sa katulad mong maganda pa sa Dyosa.
Tandaan mo, babae ka, Prinsesa ka nila Mama’t Papa. Kaya Tigil na sa kakaiyak ha?
Hayaan mo na siya.
Lagi mong tatandaan na, Maganda ka.
At deserve mong mahalin at hindi bibitawan ‘pag may problema kayong dalawa.

(Visited 32,257 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments