Maghihintay

by Marielle Baltazar | shared on He Said, She Said |

Paano mo makakalimutan
ang isang taong minsa’y iyong minahal,
kung patuloy mo s’yang nakakaharap
at di masabi sa sarili na s’ya pa rin ang pinapangarap.
Masakit, masakit makitang may mahal na s’yang iba.
Mahirap, mahirap tanggapin ang katotohanan,
Katotohanan na kailangan mo ng gumising
sa panahong ngayon at kalimutan ang kahapon.
Ngayo’y maghihintay ngunit hindi na sa iyong pagbabalik.
Ako’y maghihintay sa tamang panahon,
pag-asa man ay maglaho.
Maghihintay sa tamang tao na inilaan ng Diyos,
kahit puso man ay mapagod.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments