Mahal Sana Masaya Ka Na

Mahal Sana Masaya Ka Na

ni A.M.

Nung iniwan mo ko sobrang sakit! Sinasabi ko sayo ang sakit sakit pero wala lang sa ‘yo.

Hindi mo alam kung gaano kasakit yung naramdaman ko, araw-araw gigising ako ang bigat bigat, na para bang may nakatusok sa puso ko at iiyak ko na lang. Sa bawat araw na lumipas andaming tanong sa utak ko bakit? Ano? Hindi ko maintindihan anong rason. Kahit sobrang sakit umaasa pa rin ako na baka bumalik ka pa, sana bumalik ka pa.

Sa bawat araw na iyon kumapit lang ako sa panginoon nag dadasal na bigyan niya ako nang lakas na kayanin lahat nang ito, itong sakit na nararamdaman ko. Nagawa ko rin kuhaan ng lakas ang pamilya ko at friend.

Ngayon naisip ko habang nag babasa ako ng Bible, siguro ito yung way ni God para maging mas mapalapit sa kanya. Na ibuhos ko yung atensyon ko na sakanya naman ng buong buo. Para mas maging buo ang pananiwala ko sa kanya.

Thank you sa mga memories ang experiences na kasama ka, sa mga masasayang araw kasama ka, sa mga halik at yakap na binigay mo sa ‘kin at sa lahat lahat.

Thank you for breaking my heart natutunan ko pahalagahan kung ano meron ako ngayon at mas mapalapit kay God at sa mga taong andito parin para sa ‘kin.

May araw na iiyak man ako, na mi-miss ka gusto kang kausapin at makayakap pero kakayanin ko lahat, titiisin ko lahat maging masaya ka lang.

Hinihiling ko sa panginoon na matanggap ko na ng buong buo na wala kana sa buhay ko at maging masaya para sayo. Hinding hindi na ako hahadlang sa kaligayahan mo, gusto ko maging masaya ka kahit hindi na ako ang rason nito.

Sa kabila nang lahat, mahal na mahal na mahal pa rin kita. At sana mahal ko maging masaya ka na.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments