Mahal

by She | shared on He Said, She Said |

Mahal,
Salamat dahil sanay na akong wala ka
Simula ng tuldukan mo ang lahat,
Lahat ng bagay na nag uugnay sa ating dalawa.
Salamat sa pagputol nitong tali na nagbubuklod sa puso ng isa’t isa
Na buong akala ko ay hawak mo ng kay higpit,
Ngunit bumitaw ka.
Bumitaw ka para hawakan iyong tali na hawak ng iba
Paano itong satin?
Sinong hahawak sa kabilang dulo ng taling ‘to?
Itong tali na binuo nating dalawa
Itong tali na akala ko ay ‘sing tibay ng lubid
Ngunit marupok pala.
Mahal, salamat dahil bumitaw ka
‘Pagkat may iba pa lang karapat-dapat
At mayroong rason para kumapit pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleSa iyong pag-iisa
Next articleDalawang bote