Sa iyong pag-iisa

by Michaela Graciela Ong | shared on He Said, She Said |

Sa iyong pag-iisa,
Mararamdaman mo ang tunay na ligaya.
Yung tipong ang iisipin mo lang ay sarili mo at wala ng iba.
Maaaring isang pala-isipan sa iba kung bakit ayaw mo ng kasama.
‘Di lang nila alam, iyon ang paraan ng iyong pag-laya.
Mula sa pait, hapdi at masasakit na ala-ala’t mga salitang idinulot nila.
Ika’y naging mag-isa, simula noong mawala “sila”.
Mga kaibigan mo, ngunit mali pala,
Nangangailangan lamang ang tawag sa kanila.

Ngunit ganoon man ang naging takbo ng istorya,
‘Wag mo sanang isipin na ang libro’y natapos na,
Nang dahil lamang sa mga karakter na tila pansamantala.

Hindi, gumising ka.
Gumising ka ng mag-isa.
Imulat ang iyong mga mata gamit ang mga salita at ang musika.
Isipin mo na lang, na habang ika’y nag-iisa mas hindi ka nagmumukhang katawa-tawa.
Hindi mo na kinakailangang pilitin ang sarili mo’ng maging masaya.
Maging masaya? Kung sa piling lang naman nila, ang pakiramdam, para kang nasa hawla.
At ngayong ika’y nag-iisa na,
‘Wag kang malungkot o lumuha pa,
Dahil may mas makikilala ka pang iba.
Mas makikilala mo ang “siya”.
Siya na dadamayan ka sa iyong pag-iisa.
At pag-nagkataon, mapapatulala na lamang sila, ‘pagkat may kasama ka ng muli upang abutin ang mga tala.
At ngayon, na natuto ka na;
Napagtanto mo na hindi mo na kailangan pang dumepende sa iba
Para lang masabing ika’y masaya.
Tignan mo, ang buting dulot ng pag-iisa.
Nakuha mo nang tumawa, at higit pa roon,
Nakuha mo na ring tawanan ang mga nangyari sa’yong nakalipas na.
At minsan, naaalala mo na lang na,
Yung taong minsang inikutan ng mundo mo, naging tao na lamang na dumaan sa buhay mo.
Ni walang lingon-lingon sa pag-iwan nila sa’yo.
Haays, ngayon, ala-ala na lamang din pala na,
Pati puso at kaluluwa mo’y iniwan nilang sira.
Masakit ba? Sobra, at sa sobrang sakit ay mas pinili at natuto kang tumayo at lumakad ng mag-isa.
Hindi sa lahat ng oras, kinakailangan mo ng kasama.
Minsan, kailangan mo lang maging mapag-isa.
Tahakin ang buhay na may tamang pagpapasya at na may kasamang ligaya.
Saya, na papawi ng lungkot.
Lungkot, na dinulot ng iba.
At ng iba, na isa na lang ala-ala.
Ngayon, sana,
Ngayong natagpuan mo na, ang dati’y tinutukoy ko lamang na “siya,”
Iyo sanang pahalagahan at wag mo sana siyang pakawalan pa.
‘Wag mong pakawalan kung ang kasiyahan mo ay siya na at hindi na sila.
At kung mapagod ka man, parang awa mo na, magpahinga ka lang.
Pero sana, huwag na huwag mo siyang susukuan tulad ng naranasan mo sa iba.
Ipakita mo sa kanila, sa iba, na kaya mong lumaban.
At sa kanya’y, nang maramdaman niya, ang pakiramdam ng isang ipinaglalaban.
Iyon ang mag-papatibay sa inyong samahan, samahan na itinaga niyo sa bato na walang iwanan, walang iwanan hanggang katapusan, kaibigan.
Ngayon, lahat ng iyan ay dulot ng iyong pag-iisa.
Pag-iisa na nagdulot ng paglaya.
Paglaya na naging dahilan sa paglimot mo sa kanila, at dahil doon, natagpuan mo siya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleAkala ko ako
Next articleMahal