May Naging Ikaw at Ako

by Daniela F. Orias | shared on He Said, She Said |

Luha’y tumulo nang hindi ko namamalayan
Sa kalungkutan ako’y nananahan
Ako’y nasasaktan nang hindi ko alam
Patuloy na tinatanong ang sarili
“bakit ko ito nararamdaman?”

Luha’y tumulo nang hindi ko namamalayan
Ako’y labis na naguguluhan
Ito ba’y sakit dulot ng iyong paglisan?
O sakit dulot ng hindi kita naipaglaban?

Luha’y tumulo nang hindi ko namamalayan
Patuloy ang pagtulo, hindi ko mapigilan
Ako’y luluha hanggang sa aking makalimutan,
Na may naging ikaw at ako… paalam.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments