Muli kitang Nakita

by JMCP | shared on He Said, She Said |

Dedicated to Ms. MDGM

Bakit ba noong ikaw ay aking muling makita,
Ang mundo’y muling nabuhayan at sumigla.
Ikaw ba ay may taglay na kapangyarihan?
Bukod sa mala-dyosa mong kagandahan.

Di ko na alintana ang pagod sa aking biyahe,
Para lang ihatid at iabot ang paborito mong tsokolate.
Sapat na kapalit ang ikaw ay aking mapangiti at mapasaya,
Iyon ang hindi matutumbusan ng anumang halaga.

Oo, ‘ramdam ko pa din ngayon na mahal pa rin kita,
Kahit tila hindi man naaayon ang tadhana.
Ngunit handa ko pa rin tuparin ang aking pangako,
Na kahit anong mangyari hindi ako maglalaho.

Bawat salita sa aking tula sa ‘yo ay inaalay,
Tila ba itong konting pahapyaw ng ating talambuhay.
Di pa din ako magsasawang iparamdam sa ‘yo,
Ang aking pag-ibig simula pa nung magkakilala tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments