Sa Maling Pagkakataon

by BC | shared on He Said, She Said |

Move on, simpleng salita kung iisipin,
Pero mahirap gawin.
Paano nga nga ba makakapag move on
Kung ikaw na ang naging mundo ko

Paano bibitawan,
ang taong minsan naging parte ng buhay ko
Paano makakalimutan,
ang pinagsamahan

Paano mabubura,
Ang mga masasayang alaala
Paano gigising sa umaga,
Kung ang bawat pagising ikaw ang gustong makita

Maaaring naging mali, na ika’y naging akin
Mali na naging sentro ka ng buhay ko
Mali na pinaikot sa ‘yo ang mundo ko
Pero hindi natuturuan ang puso

Maraming mali at may pagsisisi
Sana noon pa aking naisaalang-alang
Pero sana ako’y iyong hinawakan
Lalo na mga kamay kong ikaw lang ang hanap

Bakit sa isang iglap nangyari ang lahat
Bakit biglang sinukuan ang sinumpaang pagmamahalan
Kung iisipin, ito’y isang pagsubok lamang
Na susukat sana sa ating katatagan

Marahil ako’y umibig sa ‘yo
sa di tamang panahon at di tamang rason
Kaya lubusang nasaktan ng pagkakataon
Kung sa hinaharap tayo ay magkita,
Pakiusap, ituring mo akong di kilala
Ng sa gayon, maipagpapatuloy ko
ang buhay ko na di dama ang sakit na iyong dala.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments