Munimuni

by Lid Walid Ibrahim | shared on He Said, She Said |

Nakikita’t natatanaw,
Iniisip araw-araw,
Pagmasdan ang ilaw,
Gamu-gamong hindi nasisilaw.

Parte ng aking buhay,
Makasama ka’t makaramay,
Tila’y bukang liwayway,
Pagsikat mo’y nagbibigay

Nagbibigay ng kasiyahan,
Nagbibigay ng kaligayahan,
Kaligayahang inaasam-asam,
Kaligayahang gustong makamtam.

Pagmasdan mo ang mga tala sa langit,
Nagniningning magaganda’t nakakaakit,
Kahit gaano kalungkot ang sinapit,
Sa tuwing pinagmasdan kita puso’y tumitibok ikaw ang sinasambit.

Sinisigaw, O kapilas ng buhay ko,
Kahit sa hinaharap alog na ang baba ko,
Basta’t ikaw lang ang nasa tabi ko,
Animo’y nag-iiba na ang aking mundo.

Sa paglisan ko, gusto ko ikaw ang aking katabi,
Sa paglisan mo, ako naman ang iyong katabi,
Simula umaga, sapagtakip silim hanggang gabi,
Ikaw ikaw ikaw ikaw ang nilalakbay ng aking munimuni.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments