Pag-ibig ng may Paninindigan

by Justin Badillo De Leon | shared on He Said, She Said |

Tunay nga namang, walang permanente sa mundo
Lahat ng bagay at tao, ay tila nagbabago
Sa matagal na panahon, na inyong pinagsamahan
Matatapos ang lahat, sa maikling panahon lang

Ang tadhana talaga, sadyang mapaglaro kung minsan
Ngingiti ka sa una, at kasunod ay kalungkutan
Mapapatanong ka nalang, kung ano ang nagawa mo
Bakit ito nangyari? Ba’t kailangang magkaganito?

Isang emosyon na, maraming tao ang nakakaramdam
Isang salita na, nagpabago ng buhay ng iilan
Dahil dito, nagkaroon ng kulay ang mundo
Pero dahil din dito, nasaktan ang maraming tao

Dito natin naranasang, maiwanan ng biglaan
Dito natin natutunang, tumayo at lumaban
Mapait man at masakit, ang karanasan sa nakaraan
Humakbang at lumakad tayo, para sa ating kasalukuyan

Kung kayo talaga ang itinadhana, ng ating Panginoon
Pagtatagpuin niya kayo, sa tamang pagkakataon
Nabigo ka man sa una, at lubusang nasaktan
Huwag kang matakot magmahal, hanggang sa lumigaya ng tuluyan

‘Pag-ibig’ nga pala, ang salitang tinutukoy ko
At siya ang nasa likod, ng mga kaganapang ito
Magbubunga lamang siya, ng ganap na kasiyahan
Kung marunong tayong maghintay, ng may paninindigan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePagsuko
Next articleMunimuni