Pagsuko

by Justin Badillo De Leon | shared on He Said, She Said |

Sa unang yugto ng pagmamahal, masayang umasa at maghintay.
Pero kapag tumatagal,nakakaramdam ng pagod at lumbay.
Hindi maiiwasan ang isang hindi pagkakaintindihan,
Hindi maikakaila na mayroong pwedeng masaktan.
Kung patuloy namang kakapit, sa isang pangakong binitawan
Kailangan mong tiisin ang sakit, at ipagpatuloy ang laban.
Dalawa lang ang maaaring kahantungan ng lahat ng ito
Ang maging masaya ka, o madurog ang puso mo.
Pero dahil nagmahal ka, handa mong harapin ang magiging bunga
Handa kang magtiis pa, para sa pagmamahal mo sa kanya.
Sa pangalawang yugto naman, pumapasok ang kahinaan
Ito na ang panimula, ng nagbabadyang kalungkutan.
Dito mo na lubos, mararamdaman ang lahat.
Dito mo mararanasan, ang sakit, pagod at hirap.
Madaming mga pagsubok, at ilang mga hadlang,
Ang iyong haharapin, sa pagpapatuloy ng laban.
Mapapalapit kana, sa reyalidad at katotohanan.
Mapapaisip kana lang, ikaw ba’y napaglaruan.
At sa pinakahuli, at pangatlong yugto.
Dito magsisimula, ang maraming pagbabago.
Pagbabagong magmumulat, sa isang mapait na kaalaman.
Na ang iyong pagmamahal, ay hanggang kaibigan lang.
Mabubuo ang tanong sa sip, isang malaking desisyon.
Ang pagsuko nalang ba, ang tamang gawin ngayon?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments