Nabiktima Ka na ba ng Maling Pagkakataon?

by Ishi Padua | shared on He Said, She Said |

Sa umaga, pagmulat palang ng mga mata,
Unti-unti kumukurba ang ngiting umaabot sa tenga
Pinipilit isipin ang panaginip na hindi maalala
At braso mong nagsisilbing kumot sa tuwing nilalamig na

Masarap isipin na kasama kita
Napapawi ang inip ng aking pag-iisa
Yung malambing mong himig tuwing kumakanta
Saksi ang mga bituin at puso kong umaasa

Ngunit hindi naman parating masaya
May mga sitwasyon na kailangan mong mag-pasya
Itutuloy mo ba kahit takot na takot ka?
Susugal ka ba sa lugar na hindi ka siguradong kasya ka?

Siguro isa ka na naman produkto ng maling pagkakataon
Maling sitwasyon na palilipasin ng panahon
Katulad ng nahulog at natuyong dahon
Iihipan nalang ng hangin sa sobrang lutong

Pero malay mo, mayroon pala itong karugtong
Pagtatagpuin yung landas natin sa tamang panahon
Kung kailan pwede na TAYO at wala ng kumplikasyon
Sa oras na ako nalang at hindi ka na lilingon


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments