Naghintay ako kagabi

by Squire Karich | shared on He Said, She Said |

Naghintay ako kagabi,
Sa buwang hindi nagpapatay-sindi.
Naghanap ako ng sagot sa mga hindi matapos-tapos
na tanong sa aking isipan.
Kaibigan ko nga ba ang buwan?
Hindi ko kasi maunawaan at maintindihan.
Mas mahal mo ba ako o mas mahal kita?
Ayaw ko mang isipin,
Tila isipa’t puso’y inuusisa.
Kagabi ang kabilugan,
Kagabi nilang lahat ito nasaksihan.
Saksi ang buwan at kalawakan,
Kung gaano ako kagahaman sa ‘yo.
Hinding-hindi na kita pakakawalan kailanman.
At hinding-hindi ko na nanaisin pang
tumingin sa kung sinuman.
Ikaw ang aking nag-iisang tahanan,
Ikaw ang palaging uuwian.
Bumaha, lumindol, bumagyo, gumuho man
Mawasak man ang sangkatauhan,
Sa ‘yo at sa ‘yo pa rin ako tatahan.
At wala nang ibang kailangan,
Hindi na mahalaga
kung mas mahal mo ako o mas mahal kita,
Ang importante palagi tayong masaya.
Kung mas mahal mo man ako
o mas mahal kita,
Hindi ko na iisipin kung alin
ang mas matimbang sa dalawa,
Ang ikaw at ako ay perpekto na.
At ikaw ang hahanap-hanapin ko sa tuwina,
Na parang kape ko sa umaga.
Ikaw ang perpektong lasa,
Hindi masyadong mapait at matamis,
Ikaw ang eksaktong binabalik-balikan kong timpla.
At hinding-hindi ako magsasawa.
Magbago man ang init ng yakap mo,
Maging napakalamig man nitong ating mundo,
Sa’yo at sa’yo pa rin ako tutungo,
Mananahan ako palagi sa init mo, sa init ko,
Sa init ng tinatawag nating tayo.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments