Nagsimula tayo sa kamustahan

by Rose Mherry Pascobillo Gepuit | shared on He Said, She Said |

Nagsimula tayo sa kamustahan
Napunta tayo sa pagmamahalan
Sabi mo ito ay walang hanggan
Ngunit bigla mo akong iniwan

Nilisan mo ako ng walang paalam
Ngunit ako ay patuloy na nakikiramdam
Ito na ba ang ating katapusan
O ako ay sinusubok mo lamang.

Lumipas ang maraming buwan
Hindi ka na muli pang nasilayan
Ang pangako mong walang hanggan
Tila ngayon ay nasa hangganan

Nasan ka na ba? Makikita pa ba kita?
Yan ang tanong ko sa aking pagiisa.
Ano na ba ang nangyari sa ating dalawa?
Tayo ba ay talagang tapos na?

Susuko na ako sa pangako mo,
Bibitaw na ako sa pagkakakapit sayo,
Lilisanin ko na ang ating mundo,
At hahanapin ang pinto ng dulo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments