Paano ba Umikot ang Mundo?

by James Evangelista Robison | shared on He Said, She Said |

Napagtanto mo na ba kung paano umiikot ang iyong mundo?
Naisip mo na ba kung ano ang dahilan ng pag-ikot nito?
Napagnilayan mo na ba kung kailan naging matamis ang pag-ikot ng mundo mo?
Napatunayan mo na bang ang mundo ay hindi lang para sa sarili mo?
Oo, hindi ito para lamang sa kanila kundi para rin sa akin at sa iyo.

Hindi ko alam kung ilang dekada ako magtatagal
Ngunit kada sampung taon na lilipas aking mahal
Pangako ko’y sa’yo ay muling ikakasal
Gagawin ko yan ng paulit-ulit at hindi mapapagal
Hanggang ang hiram na buhay ko’y kunin ng Poong Maykapal

Taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, at segundo
Oo, iyan ang mga mumunting elemento
Na sa pagsasama nati’y sumisimbolo
Ano man ang maging takbo ng isa sa mga ito
Pangako, ako’y nandirito at hindi tatakbo palayo sa piling mo

Taon ang binilang ko makamit ko lamang ang matamis mong “oo”
Kung kaya’t walang mag-iiba, buwan lamang ang magbabago
Ihaharap kita sa altar tuwing Linggo
Kakausapin natin ang Maylikha at sa araw-araw tayo’y magsusumamo
Hindi magsasawa, bawat oras ay pupuspusin ng pagmamahal, tiwala, at respeto

Oo, ang bawat minuto’y gagawin nating walang hanggan
Yung tipong walang lilipas na segundong hindi kita hinahagkan
Pagkat walang uri ng relo at orasan
Ang makapagbibilang ng dahilan
Kung bakit ikaw ang gustong makasama hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Dahil ang mundo ko’y umiikot sa piling mo sa hindi maipaliwanag na dahilan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments