Paano nga ba natapos ang istorya

by Jec Ibarra | shared on He Said, She Said |

Paano nga ba natapos ang istorya?
Paano nga ba napunta sa wala?
Daming pangarap ang nasira
Dahil ngayon wala ka na.

Yung dating panay ang saya
Napalitan na ba ng iba?
Pangakong mananatili ka
Ngayon ay lumisan na

Nagsimula sa kamusta
Ngayon nagtapos sa paalam na
Ang mga salitang binitawan
Mga salitang aking dinadala

Masakit isipin na tapos na ang lahat
Dahil ikaw ay sumuko na
Hindi matanggap ng damdamin
Na ikaw ay masaya na sa piling niya.

Pero ngayon pupunasan na ang mga luha
Pupulutin na ang mga natitirang piraso
Susunugin na ang mga natitirang litrato
Upang matapos na ang pagdurusa

Sa huling pagkakataon masaya ako para sayo
Marahil nga ay hindi na ako sapat
Kaya nakahanap ka ng karapat dapat
Kaya ang damdamin mo ay tuluyan ng lumayo

Paalam sa ‘yo aking mahal
Paalam sa alaala na iyong iniwan
Sa mga yakap at halik mong walang papantay
Sa storya na maibabahagi natin balang araw

Mahal kita ngunit mahalaga pa ba?
Kaya ngayon mamahalin nalang kita habang kaya ko pa
Mamahalin nalang kita hanggang sa mapagod na
Mahal kita ngunit mamamaalam na.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleSimulan natin sa dulo
Next articleEndless Love