Pag-ibig Mo’y Naglaho

by Jasmin Severa | shared on He Said, She Said |

Nakilala kita sa di inaasahang pagkakataon
nagtagal at tayo’y nagkagustuhan
na parang sinadya ng panahon.
nagtagal at tayo’y nagkamabutihan
na para bang tayo’y itinadhana.
nagmahalan at pinagkatiwalaan ang isa’t isa.
saya, ang nadarama sa twing ika’y kasama
bawat oras, minuto at segundong kapiling ka
nagkukulitan,
nag-aasaran
nagkakatampuhan, pero puno ng pagmamahalan.
sa bawat away, nadarama’y lumbay
sa bawat araw na di nagpapansinan
labis na lungkot ang nararamdaman
sa mga simpleng away na minsa’y lumalala
pero dumadating yung panahong nagkakaayos
sa pag-ibig na parang tubig sa ilog na patuloy sa pag-agos
yung pagmamahalan na tila ba di na matatapos

Dumaan ang maraming araw at oras
nagbago ang ihip ng hangin
ang ulap at natakluban ng madilim na kalangitan
ang mainit na pagmamahalan ay nanlamig na parang yelo
madaming bagay ang nagbago.
isa na dun ang “ikaw at ako”
pag-ibig mo’y naglaho.

umasa na magkakaayos pa
umasa na ipagpapatuloy pa
ang pagibig na sinimulan noon
ay biglang natapos
na parang tubig na ibinuhos
pagmamahalang kinalimutan
at iniwan sa nakaraan
dahil sa simpleng dahilan
sakit ang nararamdaman
sugat na pilit tinatakpan
mahal, ba’t mo ‘ko iniwan?
sa bawat ngiti lungkot ay nakatago
naghihintay na makalimot at magbago
para sa sarili upang bumangon
sa nakaraang pilit ibinabaon.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTuloy Lang
Next articleUna