Paglisan

by Kareen Lairog | shared on He Said, She Said |

Ako’y masaya nang ika’y makilala
Walang pagsidlan nang tuwa at ligaya
Sa bawat araw at buwan Oh anong saya
Dahil Sayo ako’y naging masigla

Ngunit sa isang iglap ika’y nagbago
Dahil sa pag-ibig mo’y bilang naglaho
Tanong sa isip saan nabigo
Di alintana sakit ng puso

Masakit man tanggapin, ngunit kakayanin
Ang sakit nang puso’y mawawala rin
Dapit tanggapin kaysa tiisin
Na ang pag-ibig mo’y di na pala akin

Sa iyong PAGLISAN, hindi kita kinamumuhian
Salamat sa ‘yo at sa karanasan
Balang araw tayo’y magtatagpo,
na dala-dala’y ngiti sa puso
At sasabihin sa ‘yo okay na ako.


Feel free to send in your essays or poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments