Para sa Iibigin ng Aking Matalik na Kaibigan

Matalik na Kaibigan
ni Jovita D. Jadia
 
Sa iyong paningin, hindi na siguro mahalaga kung sino ako,
May mensaheng hindi na sana nais ihatid sa iyo,
Pero susubukan parin at magbabakasakaling makarating,
Ito’y para sa binatang iibigin ng matalik kong kaibigan,
 
Ang iyong pamamaraa’y sikretong nadiskubre,
Proseso mo’y naging matagumpay na hindi man lang nasaksihan,
Bilang parte nya’y maaaring sama ng loob’y naramdaman..
Sana man lang, ginalang, mga kahapong iyong narinig mula sa kanya,
 
Gayunpaman, tanggapin mo pagbati sa dating naging kanyang sandalan,
 
Nais iparating sa iyo pagmamahal sa kanya,
Pinilit ingatan kanyang pagkatao’t damdamin,
Bilang kanyang kaibigan, sya’y nirespeto’t pinakinggan,
At ang pinakamabuti’y tanging nais sa kanya,
Ngayo’y istorya nami’y nahulaan ng ikaw,
Paano pa ba gagawin lahat ng husay na hatid,
Gayung meron ng ikaw na pumakaw sa kanyang pandamdam,
Lalaki, iyo nawang makuha, hatid kong salaysay,
 
Maaaring nasakta’t nabigyan sya ng kabigatan,
Pero sinisigurado kong iyo’y may lalim na kahulugan
Kung iyon ma’y ipaparanas sa matalik kong kaibigan,
Tiyaking makabuluhan rasong iyong babanggitin
 
May awa akong pakikisuyo sa iyo,
Sya’y wag abusuhin pagkat tibay may hangganan,
Tiwalaang kanyang handog suklian ng tyaga’t pagaalaga,
Sinasabi ko ito pagkat sya’y yaman ng aking buhay.
 
Kung sakaling sya’y hindi sinasadyang, sasaktan lamang,
Paniguradong ang tahimik kong linya’y kakawala,
Kung sakaling sya’y iyong iiwanan, asahan mong ika’y makakatanggap ng di ko matukoy,
At kung sakaling hindi mo iibigin hanggang huli aking kaibigan..
Sa Ama, sa Kanya’y ika’y babalik ng may kasamang kaparusahan.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments