Temporary

Temporary

ni Em-Em

Minsan nakakatakot din pala ang
maging masaya at maligaya
Hindi mo alam kung hanggang kilan
baka bigla na lang mag tapos.
yung tipong masaya ka sa ngayon
at maaaring bukas hindi na
yung naramdaman mong saya na
akala mo’y wala ng katapusan ngunit
may hangganan din pala at
yung naramdaman mong ligaya na
akala mo’y walang hanggan,
ay pansamantala lang pala.

Mga matatamis na ngiti sa’yong mga labi
tila panandalian lang pala
mga kinang sa’yong mga mata
bigla nalang mapapalitan ng unti-unting
pag-agos ng mga luha .

Paano nga ang maging masaya na
walang sumi-silip na
lungkot sa mga mata?
paano nga ba ang maging masaya na
walang nag ba-badyang pagluha?
paano nga ba mahahanap ang walang
katapusang saya at ang walang hanggang
ligaya dito sa mundo Kung saan walang
PERMANENTE?

Napaka imposible di ba?

“SAYA at LIGAYA” na parang isang singaw lamang
sa isang sandali bigla nalang napaparam
tunay ngang dito sa mundo walang permanente
dahil ang lahat ay pansamantala lang.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments