Pusong Di Susuko

Pusong Di Susuko

ni Arlyn de Guzman

Oo…Sige lang! Alam ko naman na sa simula pa lamang ay mayroon ng ibang nilalaman yang puso mo. Nalulungkot lang talaga ako.

Alam mo bang sa iyo ko lamang nasumpungan ang katangian  na hindi nakita at naramdaman sa ibang nagpakita ng kanilang motibo at pagsuyo. Sabi ng iba ako raw ay napag-iiwanan na, kung pangunahan ang tadhana naku grabe na sila. Baka raw tumandang dalaga…Nakakabuntong hininga!

Ano nga ba ang panama ko. Tipo mo yata’y di isang tulad Ko. Madalas napapatanong, ano nga ba ang dahilan ng pagkakakilanlan? Ang dating buhay pag-ibig na walang kulay ay iyong kinulayan. Naniniwala ako dito sa mundong ibabaw na walang nilikha gawa ng aksidente lamang. Alam Kong ikaw at ako ay pinagtagpo.

Ang hirap kasi ng lagay ko at hindi pwedeng mauna sayo. Kung mapagtatanto mo lamang, sa kauna-unahang beses kitang nasulyapan hindi maipaliwanag aking naramdaman. May spark eh! Kilos mo, galaw, pananalita, ngiti’t mga matang pumukaw sa akin—kuha mo ang loob Ko!

Araw-araw Ko ngang kinukulit si Lord eh para sayo. Sa Ngayon, oo Marahil hindi pa sa akin ang pag-ibig mo ngunit ang isang katulad ko ay di marunong sumuko. “God is yet creating the beautiFULL  love story for us.ayieeh=)♡
Sabi nga sa kanta: God will make a way when there seems to be no way. He works in ways we cannot see, He will make a way for us. In short, ang imposible ay walang puwang!

Patuloy mang umaasa na sana’y bigyang pansin rin itong lihim kong pagtingin, hangga’t di magawang mapagod nitong puso….MAGHIHINTAY at maghihintay pa rin sayo. “LOVE that is patiently waiting is worth fighting.”

“In God’s perfect time, everything is beautiFULL.”-Ecclesiastes 3:11

Comments Go Here ▼

Comments