Tamang Panahon

Tamang Panahon

ni Belt

Mahal, sa tamang panahon baka puwede na.
Baka puwede na ang ikaw at ako na bubuo 
sa maliit na mundo nating dalawa.
Sa tamang panahon na wala ng hahadlang
at wala ng ibang iisipin pa kundi pagmamahalan
na lang nating dalawa.
Sa ngayon, palayain muna.
Palayain muna ang sarili sa isat’isa.
Hayaan na lang munang maging malaya,
malaya kung saan baka maisip na di pala tama.
Hindi tama na naging tayo pa lang sa umpisa,
hindi tama na ikaw at ako ay nagkakilala.

Pero kahit mangyari man,
aalahanin parin ang mga panahong
ika’y nakapiling kahit sandali lang.
Panahon kung saan, ngiti at kislap
ng yung mga mata sa tuwing akoy nakikita.
Mga ngiting ni kahit kailan di ko inisip na mapapawi,
mga kislap ng mata na di inaasahang papalitan ng luha.

Mahal patawad kung bakit ka binitawan,
hindi dahil sa pagmamahal ay naglaho na
kundi alam kong mas ito ang nakararapat sa ating dalawa. Maghihintay ako sa tamang panahon,
tamang panahon na muli kang makasama,
tamang panahon na handa ng ipaglaban
at ipagmalaki sa iba,
at tamang panahon na sana ang lahat di na huli pa.

Comments Go Here ▼

Comments