Sa simula lang naman ako espesyal

by AKM | shared on He Said, She Said |

Kung mahal mo palalayain mo siya
pero hindi eh,
kung talagang mahal mo siya
hindi mo siya hahayaang mawala

Kung talagang gusto mo siya
ipaglaban mo siya
kasi hindi naman siya katulad ng iba
hindi siya isa sa mga babae na ang balak lang ay lokohin ka,
hindi siya isa sa mga babae na ang gusto lang ay paiyakin ka,
siya yung babaeng gusto ay mahalin ka
alagaan ka.

Pero bakit mo binitawan?
bakit mo kinapitan kung bibitaw ka rin lang pala
bakit mo pa pinaabot sa pinakamasakit na?
ginagawa na lahat
binibigay na lahat
pero parang hindi parin sapat
palagi pa ring kulang.

Kaya siya naman sana
yung gagawa siya para sa sarili niya
kasi buong buhay niya ginawa niya para sayo.
hindi naman siya naging espesyal eh,
kasi kung espesyal siya hindi mo siya iniwan.

Dahil ni minsan hindi naman siya magiging gitara
minsan hindi siya magiging piano
o kahit ano pang instrumento na gamit mo
na kapag tapos mo na isasantabi mo na lang;
na kapag sawa ka na iiwan mo na lang
at pag may nakita kang maganda
ipagpapalit mo na lang,
hahayaan mong magamit ng iba,
masira, masaktan, pinaglumaan.

Dahil kahit kailan sa simula lang naman ako naging espesyal.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

Comments Go Here ▼

Comments