Sa Tuldok Magsisimula

by Mia Joy Entorum | shared on He Said, She Said |

Nagsimula akong magsulat
Sa papel na sulat na–
Sulat ng mga linyang pahiga–
Mga linyang iba ang nagsimula.

Pinagtapi-tagpi ang mga salita–
Salitang bumubuo ng mga alaala,
Alaalang bumabalik sa isipan,
Alaalang pilit kinakalimutan.

Sa bawat katagang nabubuo
Ay isang pangakong napapako.
Sa bawat alaala ng ngiting simula
Ay isang paalam na buhat ay luha.

Hindi ko mawari kung anong dahilan
Sinunod ko naman ang mga linyang pahiga
Ngunit sadyang may mga salitang sa iba laan
Mga pagkakamaling mahirap pagtakpan.

Kaya sa isang bagong pahina
Pahinang walang bakas ng tinta
Muli akong magsusulat ng mga alaala
Alaalang bubuo ng isang bagong istorya.

Dahil tulad ng pagkapunit
Ng aking papel sa buhay ng iba
Ay may tiwalang maaaring muling tagpi-tagpiin
Ngunit hindi magiging kasing buo noon una.

Katulad ng unti-unting pagkaubos ng aking tinta
Ay unti-unting titigil ang pag-agos ng aking mga luha
Isang bagong pahina ang magsisimula
Mula sa tuldok na magtatapos ng aking tula.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 2 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments