Sa Una Lang Pala

by Jucelle Bautista Ariola | shared on He Said, She Said |

Naging masaya ako sa pag-aalaga mo
Naging msaya ako sa pagtawag mo
Naging masaya ako sa pagsuyo mo
At naging masaya ako sa piling mo

Nakilala kita nung una
Pambihirang tadhana landas natiy pinagtagpo
Ako na nananahimik, ay nakakilala ng gaya mong
ubod ng ingay at palakas lamang pala sa sarili

Hindi ko alam kung bakit, nakuha ang aking panig
Sabi ko na nung una wala akong balak sagutin ang tinig
Subalit napakatindi ng pagkakapalaso ni kupido
Puso koy nahagip patungo sa iyo

Hindi ko alam kung bakit
Sapagkat ang lakas mo talaga kumapit
Anim na buwan na ang nakalipas
At hanggang ngayon nasa puso ko pa rin
ang sakit na idinulot mo sa akin

Sa una’y parang masaya,
sa una’y parang malambing
Sa una’y parang tunay
Subalit sa una lang pala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments