Salamat, Ang Salitang Huli Kong Binitawan

ni Jin Gen Jen
 
Salamat, ang salitang huli kong binitawan,
Salita na kailanman hindi ko makakalimutan,
Salamat sa panahon na tayo ay nagkasama,
Mga panahong nag-uumapaw sa saya.
 
salamat photoSalamat kahit binalewala mo lang ako,
‘Di rin naman magtatagal ako ay maglalaho,
Mahal kita ngunit hindi ko na kaya,
Dahil ikaw ay masaya na sa piling ng iba.
 
Pinilit kong intindihin ka,
Ngunit lahat ng iyon ay sayo’y walang halaga,
Sana magiging masaya ang buhay mo kapiling siya,
Mahal kita ngunit salamat na lamang,
ako’y magpapaalam na.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments