Sana kayanin ko

sana kayanin ko

from TG | shared on He Said, She Said |
By the time na mabasa mo ito, ito yung time na tinapangan ko na, nilakasan ang loob sa kabila ng sakit na alam kong mararamdaman ko at maaaring maramdaman mo rin pero di tiyak. Heto nga susuko na ‘ko ng tuluyan.
Di dahil sa di kita mahal. Sobra kitang mahal.

Kaya nasasaktan ako sa tuwing binabalewala mo ako. Sa tuwing inaavoid mo ako.

Gusto kong maniwala sa lahat ng mga sinasabi mo…pero malayo sa mga pinapakita mo. Alam ko sinusubukan mong ipakitang mahal mo ‘ko pero mas nakikita kong hindi.

Nakakamatay ung sakit sa tuwing ipinaparamdam mong huli lang ako sa ‘yo, na hindi ako mahalaga, na di ako welcome sa buhay mo sa kabila ng paulit ulit mong sinasabi ako na ang gusto mo makasama habang buhay.

Sa walong buwan, na dapat di pa nakakaramdam ng ganito — pero nakakapagod na masaktan, mag-isip, umasa sa wala. Sana pala di na lang ako nahulog sa ‘yo. Di na lang kita minahal at di naniwala baka sakaling okey tayong magkaibigan.

Di tayo aabot sa ganito. Salamat sa lahat.

I pray makasama mo ‘yung taong talagang mahal mo. Yung hindi na niya kailangan pang idemand sa ‘yo ‘yung oras at atensyon mo kasi buong pagmamahal mo ‘yung ibibigay. Iyung proud kang ipapakilala sa pamilya’t mga kaibigan mo. Iyung pupuntahan mo sa bahay nila para ipakitang seryoso ka sa intensyon mo. Iyung masaya kang makasama s’ya at makausap. Na handa kang gawin ang lahat mapasaya lang sya. Iyung di iiyak na lang lagi na tulad ko sa tuwing nakakalimutan mo ‘ko.

Natitiis na di makita at makausap. Sa mga araw na may plano tayo pero nababago at di na natutuloy. Pero lagi mong sinasabing ako na ang gusto mong makasama habang buhay.

Pero bakit? Bakit ni isang buong araw ng buhay mo ngayon di mo mailaan na kasama ako?

Gayun pa man. Mahal na mahal kita.

Sana kayanin ko nang wala ka na talaga sa buhay ko. Sana.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments