Bes

by Bev Mo | He Said, She Said |

Sa tuwing kami’y magkaaway
Ikaw ang aking tinatakbuhan
Ikaw ang laging nilalapitan
Ikaw ang laging iniiyakan.

Inaabot ng gabi
ang mahaba nating kwentuhan
Na ang tanging lama’y
kung paano kami nagmahalan

Alam mo ang lahat ng tungkol sa kanya
maging kung gano kabilis
Ang tibok ng puso nya.
Alam mo ang mga bagay na gustong gusto nya
maging ang mga sapatos
na kinokolekta nya.

Hindi ko napansin ang kislap sa yong mata.
Kislap na nagliliyab sa paghahangad na makuha sya.
Kislap na nagnanais na mapasayo sya.
Kislap na akala ko… saki’y nakikisimpatya ka.

Kaya pala sa bawat ngiti nya’y halos matunaw ka
Nagliliyab, sumisiklab ang puso mong uhaw sa kanya.

Dumating ang araw na kami’y nagkagalit.
Sinamantala mo, sa halip na ako
siya ang ‘yong tinapik.

Oo sinabi ko, bes, kausapin mo sya
Sabihin mong mahal ko sya.
Sabihin mong bumalik na sya.
Ngunit sa halip na sya’y bumalik
Tila may ibang sa kanya’y nakasungkit.

Bes, oh anong sakit.
Nawala ka, nawala siya
Sa huli’y kayo ang nagkalapit.
Sa huli’y ikaw ang kanyang inibig.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
 
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
 
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments