Suko na

by Andrelene Divinagracia Veloso | shared on He Said, She Said |

Sinulat ko ang tulang ito
Para sa taong nagmamay-ari ng aking puso
Yung taong nagpaasa
Na itinuring kong dahilan sa pagbangon ko sa umaga
Yung taong dinurog ang aking pagkatao
Na akala ko’y hindi-hinding maninira ng pangako
Oo ikaw yun
Ikaw ang kaisa-isang taong minahal ko ng kaytagal
Na walang araw na hindi kita pinagdadasal sa Poong Maykapal
Ikaw na siyang nagbigay kulay sa aking mundo
Na ginawa ang bawat sulok nito na parang paraiso
Ikaw na akala ko’y akin
Pero mali pala
Dahil kahit kailan, walang nabuong tayo
Ang meron lang ay ako
Ako na umaasang mahalin mo rin
Ako na nalulunod na sa mga walang sagot na dalangin
Ako na kusang nagpapakatanga
Dahil sa mga iniwan mong mga alaala
Ako na kahit nadudurog na
Mas pinipili pa ring tumingin sa mga tala
Mga tala na sagisag ng liwanag sa ating mga puso
Mga tala na naging gabay ko sa hindi pagsuko
Mga tala na siyang aking kinapitan
Mga tala na hindi ako iniwan
Pero hindi ka kagaya ng mga tala
Pansamantala mo lang akong binigyan ng liwanag
Ni hindi mo ako hinawakan sa matulis na bitag
Hindi ka tala dahil sumuko ka agad
Hindi ka tala dahil napakababa ng iyong lipad
Samantalang ako, nasa himpapawid ako
napakataas ng mga pangarap ko
Mga pangarap na ako lang ang tumupad
Mga pangarap na hindi mo tinanggap
Mahal nakakapagod na
Napapagod na akong lumipad
Napapagod na akong tingnan ka na masaya sa piling ng iba
Samantalang ako pinipilit pa ding buhayin ang pinatay mong pag-asa
Napapagod na akong magpakatanga
Samantalang ikaw ay nagpapakasaya sa mga yakap niya
Mahal, susuko na ako
Dahil alam kong malayo na ang naliparan ko
Natatanaw lang kita dito sa taas
Ngunit ang mga pakpak ko ay unti-unti nang naglilingas
Ang puso ko’y nag-aapoy na
At unti-unting nagiging abo
Dahil pinipilit ko pa rin na pag-isahin ang ating mga puso
Pero mahal, suko na ako
Susuko na ako dahil alam kong pagod ka na rin
Pagod ka nang makinig sa mga iyak ko na tila wala namang saysay sa mga pandinig mo
Pagod ka na ding basahin ang mga mensahe ko na tila hindi naman nagbibigay saysay sa buhay mo
Pagod ka nang nakikita akong pagod sa’yo
Kaya mahal, suko na ako
Suko na ako sa mga dalangin na magiging okay tayo
Suko na ko sa pag-asang mamahalin ko rin ako
Suko na ako
Dahil kahit kailanman,
Walang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments