Tatlong taon na pala

tatlong taon na pala

by Princess | shared on He Said, She Said |

Tatlong taon na pala,
Pero bakit hanggang ngaun masakit pa,
Tatlong taon na,
Pero bakit parang patuloy na umaasa,
Tatlong taon na,
Pero bakit mahal pa rin kita.

Hindi ko alam kung ginayuma mo ba ako,
o ginayuma ko ang sarili ko,
Kaya hanggang ngayon baliw pa rin sayo,
Natatawa na nga ako sa sarili ko,
Sabi ko naka-move on na ako,
Pagnagkikita tayo,
Nakakangiti naman ako ng totoo,
Nakakain na ikaw ang kasabay,
Akala ko lang pala ako’y matibay,
Ang totoo pala’y patuloy na nag-kakagutaygutay.

Apat na taon na sana ung “Tayo”
Pero ang nangyari puro na lang “Kayo”
Oo, kayo,
Kayo ulit ng babaeng sabi mo aking kapalit.
Di ba ang lupit,
Daig nyo pa si Popoy at Basha
Humirit ng pangalawang tyansa,
Pero bakit tayo, puro lang patutsya,
Tapos wala pa din pala.

Umasa lang ba ako na pwedeng tayo ulit?
Ikaw ung naging mundo ko,
Ngiti mo’y sapat na para buoin ang aking umaga,
Halakhak mong nagiging musika,
Yakap mong langit ko na.
Kelan kaya ulit madarama.

Matatagal na rin ng huli tayong magkita,
At kamailan din lang nakita ko ang inyong larawan.
Na tila pati langgam mahihiya sa inyong lambingan.
Hindi ko maiwasang sabihin.
“Sana ako un, sana Tayo un”
Pero malabo na un,
Ipaglaban nga ako hindi mo nagawa,
Mahalin pa muli kaya di ba?

Hindi na naman ako umaasa,
Pero siguro ung puso ko ang may problema,
Magmahal man siya ng iba,
Nanatiling may puwang
Na tanging ikaw lang ang laman.

Paalam na aking mahal,
Pipilitin kong limutin aking nararamdamn
Dahil alam kong walang patutunguhan.
Marahil kulang pa ang tatlong taon,
Para sa puso ko tanging ikaw lang
ang minahal sa paraang ganito.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com
He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments