Sa papilian, ika’y di matatagpuan

by Jenny Gift Boca | shared on He Said, She Said |

Bago ko simulan ang isang bagay na walang saysay,
Nais ko munang ibahagi sa ‘yo ang tulang alay
Lahat ng salita sa iyo nakatugon
Kaya sana’y pakinggan tulang baon.

Handa ka na ba?
Sapagkat ako’y di pa
ngunit anong magagawa?
baka kapag pinigil ay huli na.

kaya mahal, makinig kang lubos
hindi man sumagot, pakinggan aking puntos
heto na
akoy hihinga ng malalim
isa dalawa
ulit
isa dalawa

napakadaming paghinga
tadtad ng luha ang pahina
halos mapunit na
gulagulanit kumbaga
ngunit kahit anong titig ay wala talaga
sapagka’t sa papilian,
ikaw’y di matatagpuan.

Piliin ng titik ng tamang sagot”
ngunit iyong pangalan ang tinitibok
Kaya mas pipiling itatak iyong pangalan
kahit alam ng wala ito sa papilian

Pagtumbasin ang mga salita sa hanay ng titik A
sa tamang sagot sa hanay ng titik B”
eto na nanaman, inaral, sinaulo,
pinagpuyatan pa ito
ngunit anak ng teteng na naman
pangalan mo ng syang kinokonekta sa ‘kin
kahit na ang daming nasa papilian na dapat ituring.

Sa lahat ng pagsusulit,
Iniintindi ang tanong ng pilit.
Sadyang kapag lumabas na mga tanong
tanging pangalan mo ang alam itugon
tiyak na babagsak
sapagkat sa papilian
pangalan moy di matatagpuan.

Tatanggapin ko na lang ba?
na bumagsak at umulit muli?
Tatanggapin ko na lang ba?
Na nagkamali ako ng pili?
Tatanggapin ko na lang ba?
kung diyan ka naman sasaya
ano pa bang magagawa?
osya tatanggapin na lamang
kahit mahal, ang sakit sakit na.

Sana sa susunod,
sa panahon na ako’y natuto na
tipong kapag may tanong
ay sasagot na
at di pangalan mo
sapagkat sa papilian
pangalan mo’y di matatagpuan


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments