Magsisimula Ako

by Winleth Manrique | shared on He Said, She Said |

Mula sa lugmok, ako’y babangon
Ipagdadasal nalang, sana’y makaahon
Mahirap at masakit man, ako pa rin ay patuloy na lalaban
Magiging matatag at maghanda sa kinabukasan

Iisipin ng mabuti ang bawat galaw ng sa huli ay di magsisi
Gaya ng makalayag sa iyong kandado gamit ang sariling susi
Ayusin ang sarili, huwag magpakatanga para lang sakanya
Hintayin mo na lamang ang darating at ikaw rin ay liligaya

Ipagpapasalamat na lamang siya ay dumating sa buhay mo
Dahil dito natuto kang tumayo sa sariling paa na kinatatayuan mo
Humingi nalang din ng tawad sa lahat ng ayaw nyang nagawa mo
Iyong pagbutihin nalang ito sa pamamagitan ng sariling sikap mo

Eto na siguro ang simula ng pagbabago at pagkalimot
Kalimutan at maging masaya nalang sa dating mundong kay poot
Hindi man ganoon kadali at kabalis, magtiyaga ka lang at magtiis
Huwag ng mag alala at ilisan nalang inyong nakaraan, darating din ang panahon na ito’y lilisan

Tama na, suko na. Ito’y di kahinaan kundi kasawaan
Siya rin naman ang gumawa ng paraan para ika’y masaktan
Itinigil mo lang naman ang iyong katangahan at di katatagan
Pinakita mo na lamang ika’y sobra sobra ng nasasaktan at di kawalan

Eto na talaga, ang huli na ikaw pa ay aking aalalahanin
Dahil ikaw rin naman ay di pinakita sakin na ika’y saki’y maaalalahanin
Ako’y sawa ng masaktan sa dulot mong kalokohang pagmamahal
Magmomove on nalang ako sa akala kong tunay na ating dating pagmamahalan

Magsisimula akong kalimutan ang masakit na ala-ala
Magsisimula akong gumising ng walang sakit at may saya
Magsisimula ako sa positibong gumagawa ng paraan
Magsisimula ako, gumising, gumalaw ng nakalimutan na ang nakaraan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.
Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments