by Ogor | shared on He Said, She Said |
Kalaunan medyo ka abang-abang
Binanggit ba na mayroong kulang?
Ang alam mo lang na ang letrang yon ay wala lang
Wala lang yan ngayon lang
Pero nababatid ko tinitignan mo ang bawat patlang
Tila ang letrang iyon ay iyong inaabangan
Magtiyaga ka lang malay mo ang titulo nito’y niloloko ka lang
At maya maya ang letrang yon ay biglang tumamban
Pero dahil yun ang pamagat
Marapat lamang na ako’y magtapat
Kahit paulit ulit na mata mo’y imulat
Malalaman mong tunay ang pamagat
Heto ang puna ko kaibigan
Nabatid kong una’y hinanap mo na mayroong kamalian
Hindi mo napagtanto na meron namang paraan
Ang humanap ng iba , oo humanap ng ibang pamamaraan
At ganito yan kaibigan
Mayroon lang akong ipaparamdam
Ipabatid o ipapaalam kahit kaunti lang
Na kahit mayroong kulang kaya mo pa ring matahak ang daan
Ang kailangan lang humanap ng paraan
Huwag mong tahakin ang daan ng pagdadahilan
Maging ang pangangatuwiran
Madali lang naman yan kung iyong ngingitian
Bakit manghihinayang kung kulang man
Kung marami pa namang natirang maaaring maging kagamitan
Hindi kailangan laging kumpleto kaibigan
Kailangan rin ay hanapin mo ang kukumpleto ng iyong katauhan
Ngayon iyo nang naintindihan
Na ang tulang ito ano ang nilalaman
Napagtanto na kapag mayroong kulang
Maaari mo naman itong palitan o tuluyang kalimutan
at harapin ang buhay wala man ang kulang na yan.