Umasa Ako

by Nikki Quilon | shared on He Said, She Said |

Nung una, akala ko hindi ako mahuhulog sa ‘yo
Ngunit talagang nagkamali ako,
Nahulog ako sa lahat ng pinapakita mo
Nahulog ako sa sinabi mong gusto mo rin ako.

Umasa ako sa lahat ng sinabi mong akala ko totoo,
Umasa ako na iba ka sa mga lalaki sa mundong ito.
Umasa ako kasi akala ko mahal mo ako,
Umasa ako kasi yun ang pinapakita mo.

Oo mali na umasa ako, pero hindi mali na nagtiwala ako
Nagtiwala ako kasi mahal kita
Nagtiwala ako kasi sabi mo iba ka,
Yun pala katulad ka lang rin nila

Sana hindi nalang ako umasa sa lahat ng sinabi mo
Eh di sana hindi ako nasasaktan ng ganito
Hindi sana ako lumuluha araw at gabi
Hindi sana nawalan ng ngiti sa aking mga labi

Ayoko na, ayoko na maramdaman lahat ng ‘to
Ayoko na kasi pagod na pagod na ako.
Pero habang sinasabi ito, nanghihina ako
Nanghihina kasi alam kong hindi ko kaya

Hindi ko kayang hindi maramdaman ‘to
Hindi ko kaya kasi umaasa parin ako.
Umaasa na sana ako na lang ang mahalin mo
At umaasa na sana ako nalang ang piliin mo.

Pero lahat ng to ay hanggang sana na lang,
Dahil alam ko na hindi mo naman kaya
Hindi mo kaya na ako ang piliin at mahalin mo
Dahil sa kanya lamang umiikot ang mundo mo

Mahal, sana hindi mo nalang ako pinaniwala
Sana hindi mo nalang pinaramdam na ayaw mo ako mawala
Sana hindi mo na lang ako hinayaang mahulog,
Kung alam mo sa sarili mong baka umasa lang ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments