Muling Pagtatagpo

by Hannah Beatrice Adame Tamayo | | shared on He Said, She Said |

Paano ba nagsimula ang tayo,
parang nung una imposible at nagkakalayo,
sa realidad ang nararamdaman ko,
biglang isang araw nag iba na ang estado
bawat pintig ng puso ko, ang bilis para bang kabayo,
di ko alam kung paano.

Basta naniniwala ako
sa kung ano ang sinasabi ng puso ko
nung una nating pagtatagpo,
tila ako’y isang bata na nadapa dahil sa bato
at may nagtayo pero umalis at iniwan rin naman agad ako,
ako ay tumayo at lumakad palayo , lumipas ang buwan at minuto
heto pa rin ako nag iintay sa pagbabalik mo,
gusto ko mang sumuko pero may pumipigil sa paghinto.

Hindi ko na alam ang gagawin ko,
dalawang bagay ang nasagi sa isip ko,
itutuloy ko o tuluyang bibitawan ang pinanghahawakan ko ,
naging malapit ako sa ‘yo at siguro nga yata yung lang ang magiging tayo,
naging panatag na ang loob ko
pero nagsimula ang lahat ng ito ng sinabi mo ang nararamdaman mo,
pero bakit? ano ang magiging reaksyon ko?

“Naka-move on na ko sa ‘yo”
pero sa sinabi mo bumalik lahat,
lahat ng alaala ko kaya hindi muna ako sumagot
kung ano ang nararamdaman ko sa ‘yo
kaya sana maintindihan mo
pero sinabi ko sa ‘yo na patunayan mo
at lumipas ang buwan sinabi ko na nagawa mo
at doon muli tayong nagtagpo
at hanggang ngayon eto ang tayo na pinanghahawakan ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleMuntikang Pag-ibig
Next articleUmasa Ako