A Letter for You

Letter for You
Source: https://www.pexels.com/photo/lamp-near-window-3551216/

HeSaidSheSaidPH.com | Unsent Letter

Hi Selene,

Hmmmm. nakakalungkot kasi, hindi naisip na susulatan kita ng mga ganito. Akala ko kasi ikaw na yung taong kukwentuhan ko ng bawat araw ko. Akala ko ikaw na yung taong gustong makinig ng mga kwento ko. Akala ko ikaw na yung taong gustong tumawa kasama ko. Akala ko. Sa wakas, may pumili sakin. Na sa wakas nahanap ko na yung taong worth it. Dalin sa dulo. Akala ko parehas tayo ng tingin sa pag ibig. Akala ko parehas tayong masaya.

Sana maging masaya ka sabi ko nga sayo diba. Atleast yung isa satin masaya. Palagi kang ngumiti. Bagay sayo yung mga dimples mo. Palagi mo silang ipakita sa mundo. Kung gaano ka, ka ganda 🙂 Kung gaano ka, ka kinang!

Yung mga sinulat kong tula for you sana pag may time ka basahin mo ulit. at sana maalala mo kung gaano tayo ka saya 🙂 Lahat yun itatago ko sa puso ko. Akala ko nga pag umalis ka. Titigil nako sa pagsusulat. Pero nagulat ako kasi hindi ako tumigil sa pagsusulat <3

Parang ang daming naiwang salita sa isip at puso ko na nag hihintay na isulat ko. Siguro nagsusulat ako kasi, yung mga salitang sana nasabi ko sayo ay naiwan dito. Na sana nasabi ko sayo…

Ang weird no? Sa dami ng salitang alam ko. Sa dami ng nasulat ko. At sa dami ng love letter ko. Nahihirapan akong hanapin yung salita na sana naging dahilan para manatili ka…

Hindi ko alam kung kailan ko ulit hahayaan yung sarili ko na magmahal ulit. Kasi sa totoo lang. Hindi ako takot magmahal, palagi akong tataya. Palagi kong ibababa yung mga barrier na poprotekta sa sakin para lang sa pagmamahal. Kaya kong kalabanin ung utak ko para sa pagmamahal. For love I’ll always be ready to give too much… ang nakakatakot lang kung kanino ko yun ibibigay, or kung maibibigay ko ba ulit?

Naaalala ko pa yung mga panahon na, nangako tayo sa isat isa na walang mang iiwan at walang aalis. Sabi mo non ako lang. Pero nagbago yung ikot ng mundo. Akala ko kasi love, strong tayo. Sabi ko sayo nun wala nakong mga kanta. Alam mo kung bakit? Sa bawat kanta love. Ikaw yung laman. Sa bawat kanta, ikaw yung ibig sabihin. Sa bawat kanat ikaw yung tumutugtog.

Sa magagandang ngiti mo. Salamat. Those smiles are my favorite! So i want you to smile again <3

Love, sana nabigyan kita ng masasayang memories. Sana napasaya rin kita katulad nang kung paano mo ko napa saya. Sana Love. Pag naalala mo ko, matatawa ka parin. Sana masasabi mong namimiss moko. hahaha! Sana pag naalala moko maisip mo lang yung lahat ng masaya at mabuti satin. 

 < Bogoshilda! Amore mio.
– J*

Image Source

(Visited 3,456 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments