Alas Tres

alas tres
ni HopeThenHurt
 
Sa di inaasahang pagkakataon,
landas natin ay hinamon
 
Nang tadhanang mapaglaro,
Tila ba tayo’y ginawang biro.
 
Ang mga gabing tila’y walang katapusan
Habang tayo’y magkausap ng walang hanggan
 
Naging isang malamig na ala-ala,
Na akin na lamang ginugunita.
 
Unti-unti kong naramdaman
ang paglayo mo ng dahan dahan.
 
Iniisip kung nakulangan ka ba?
oh mahal meron ka nang iba.
 
Lumalalim na ang gabi,
heto ako at di mapakali.
 
Iniisip saan ako nagkamali.
Maari bang maibalik muli?
 
Ang mga luha ko
ay unti unting tumulo
 
Ang pag agos nito
Tila ba’y di hihinto
 
Anong oras na ba?
Bat di nalang ako dalawin ng antok
 
Orasa’y aking tinanaw
Alas Tres na pala na maginaw
 
Diwa ko’y buhay
kahit mga ilaw ay patay
 
Alas Tres na ng madaling araw
Sigaw ng puso’t isip ko’y ikaw.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleEndless Love
Next articleFrienemy