Ang Pinakapaboritong Pagkakamali

ni Cass

Hindi na matandaan kung ilang araw na ang nagdaan simula ng ikaw ay lumisan
Umalis ka na parang ito ang pinakamadaling gawin at bigla ka na lang nang-iwan
Ang sabi mo ay babalik ka pero ilang araw at gabi na ang lumipas
Baka nga wala ka ng planong magbalik at ang mga pangako mo’y tuluyan naring kumupas

Nagdaan ang ilang araw at nagkaroon ako ng pagkakataong makita kang muli
Umaasang magbabalik ka na at ako naman ang pipiliin mo sa huli
Pero natapos na ang gabi at mga sandali ngunit ika’y tuluyan ng naglakad palayo
Ikaw ay dahan-dahang naglaho kasabay ng mga luha kong animo’y mga kabayo

Araw araw ko pa ring hinihintay at inaasahan ang iyong pagbabalik
Nais kong makita muli ang iyong mukha at marinig muli ang iyong paghagikhik
Walang minuto ang lumipas na hindi ka tumakbo at naalis sa aking isipan
Bawat segundong hindi ka kapiling ay parang isang hangganang walang katapusan

Marami akong gustong sabihin sa ‘yo at nasa akin na ang lahat ng pagkakataon
Ngunit sinayang ko ang lahat ng ito dahil sa takot na baka hindi tayo ang nakatuon
Natatakot akong baka hindi tayo pareho ng nararamdaman at ako ay iyong layuan
Pero kahit hindi ko pala ipagtapat sa ‘yo ang aking nadarama ako pa rin pala ay iyong iiwanan

Lahat ng tao at maging ang sarili ko sinasabing ihinto na ang aking nadarama
Dahil sa huli alam ng lahat na wala itong patutunguhan sapagka’t ito ay hindi tama
Pero kahit na tawagin ako ng lahat at maski ng sarili ko na isang hangal sa pagpapatuloy ng aking nararamdaman
Alam ko na sa dulo ng tulang ito ikaw pa rin ang pinakatama sa mundong puno ng kamalian

Tanggap ko ng kahit kailan ang pagibig ko sa sa ‘yo ay mananatiling bawal
Na maski sa mga mata ng Diyos at ng kanyang mga nilikha ito ay isang karumal-dumal
At kahit na anong gawin ko at pagmamakaawa mananatiling ang mga apelyido natin ay magkatugma
Dahil ang pagmamahal sa sariling kadugo ay kailanman ay hindi magiging tama.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments