Saradong Pintuan

Saradong Pintuan
ni Tring Fernandez
 
Mahal. ang puso mo ay parang
Saradong pintuan
Ako ay nasa labas naghihintay
Na sana’y iyong pagbuksan
 
Ako ay kumakatok, ako ay nakatayo
May tanong sa isip, ako pa ba’y p’wede pumasok?
 
Mahal. Andyan pa ba ako Sa loob ng iyong puso?
Kasi ako ay nagaabang na sa buksan mo ang pinto
Mga pader mo sing tigas ng bato
Na hindi ako makasilip sa loob
 
Ngunit. May narinig ako boses,
Narinig kitang tumawa. ikaw ay masaya
Nang subukan ko ulit ito pakiramdaman,
Masaya ka, ngunit hindi ako ang iyong kasama.
 
Mahal. Ako ay kumatok ulit, baka sakali marinig
Katok ng pagmamahal ko na gustong ibalik
Na sana’y pagbigyan mo ang pusong lumalaban
Naghihintay na baka sakaling
buksan mo ang sarado mong pintuan.
(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments