Bagong Pag-asa

by Kenn Paolo Alcazar | shared on He Said, She Said |

Hindi ko inakalang aabot sa ganito
Na halos di na kilala ang sarili ko
Akala ko noon madamot ang mundo
Kasi naging miserable ang buhay ko

Umiiyak sa mga sandaling ayoko na
Nakangiti para itagong nalulungkot ka
Tatawa para ipakitang masaya ka na
At muling iiyak kasi hindi pa pala

Naisip ko kung paano nga ba ito?
Makaya ko kayang lagpasan ito?
Sana isang araw pag gising ko
Tapos na ang lahat ng problema ko

Totoo palang may nakalaan sayo
Isang tao babago ng buhay mo
Taong hindi ka iiwanan sa tabi mo
At makakasama mo hanggang sa dulo

Ngayong dumating ka ay iingatan kita
Tulad ng isang bida sa sikat na pelikula
Na gagawin lahat para sa mahal niya
At paulit ulit sasabihing minamahal kita

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments