Bakit ba Ikaw?

Bakit ba Ikaw
ni Jc Cuales
 
Simula ng tayo’y pinagtagpo.
Ikaw na ang laman ng puso’t isipan.
Ipikit ko man ang aking mata.
Mukha mo’y hindi malimot-limot pa.
 
Sa tuwing ikaw ang nasisilayan.
Tila may hiwagang dala.
Ang puso ko’y tumutula.
Damdamin ay gumagaan.
 
Aking pangarap, ‘di namamansin.
Huwag sanang ipagkait.
Bakit parang sa akin lang may galit?
Kasalanan nga bang umibig?
 
Bawat araw nagdaan.
Dinadama ang katotohanan.
Sa kilos mo’y aking nadarama.
Nakatakda na yata ako’y masaktan.
 
Bawat hakbang palayo ka.
Sana silipin mo aking puso.
Nakahandang ibigin ka.
Kahit hatid mo’y parusang lungkot.
 
Kahit hindi mo alam.
Ako’y labis mong nasaktan.
Balewala na lang.
Wala na bang karapatan.
 
Pilit man itago.
Hindi kayang maglaho.
Ang mga katanungan.
Bakit ba ikaw?

Comments Go Here ▼

Comments