Bitaw na

Bitaw na
Image: https://www.pexels.com/photo/photo-of-a-woman-sitting-beside-window-2219209/

HeSaidSheSaidPH.com | ni Bryan Oliver V. Cueto

Ito ay para sa mga taong lubos na nagmahal, para sa mga taong nakaramdam ng pagmamahal na hindi naman para sa kanila, handa na ba kayong bumitaw? Sabay-sabay tayong bumitaw sa pag-asang hindi na tayo mamahalin pa.

“Siguraduhin mong wala ka ng nararamdaman sa kanya, dahil kapag tapos na, tapos na, wala ng balikan pa”

Sabi nila, hindi ka mananalo kung hindi ka tataya, kaya sumubok ako kahit hindi ako sanay. Nagkwento ka kung pano ka niya sinaktan, puno ng pagtatanong na kadalasan ay bakit. Ako ang sumagot sa mga tanong mo na nagpaayos ng kalagayan mo ngayon. Tinaggap kita ng buo at ang bumuo sa winasak niyang pagkatao mo.

Salamat dahil nandyan ka, sambit ng iyong mga labi habang nagniningning ang iyong mga mata. Ang ganda mo pala. Kung tinuring ka niyang walang halaga, putang-ina. Napakagago niya.

Unti-unti na tayong bumubuo ng kwento ng ating pag-ibig, ikaw ang paksa ko samantalang extra lang pala ako sa istorya mo. Pinaglaban kita, dahil kailangan kong lumaban. Naniniwala ako sa nasimulan nating kwento. Pero pilit paring bumabalik ang pakiramdaman na maiwan ulit mag-isa. Ang pakiramdam na hindi mahalin pabalik. Ang pakiramdam na wala na ulit maramdaman. Namamanhid na ako sa sakit. Yung babaeng binuo ko, ang tila wawasak sa aking pagkatao na matagal kong nabuo.

Pero ayaw kong maniwala sa sinasabi nila na ang pag-ibig ay tulad ng sintas,
na anumang oras maari itong makalas.
Pero inihanda ko na ang sarili ko sa mga bugbug na maaari kong matamasa

Pakiusap, kung wala kang balak na mahalin ako, wag ka nang magpakita ng motibo
Pakiusap, wag kang magpakita ng motibo

Mahal kita, kahit magulo ang ugali mo
Mahal kita, kahit ayaw na ng mundo sayo
Mahal kita, kahit itulak mo ako palayo
Pero mahal, tao din ako, nasasaktan at napapagod.

Kung hindi mo naman pala kayang panindigan, sana hindi mo nalang inumpisahan
Para hindi na tayo nahihirapan
Pero lumaban pa rin ako at kumapit
Dahil ayaw kong magsisi at magtanong ng bakit?

Sabi ko, Tama na.
Tama na, dahil ang sakit sakit na
Tama na, Putang-ina
Ang hirap mong mahalin habang may minamahal kang iba
Tama na dahil nakita kong mag kasama na ulit kayong dalawa
Ayoko na
Nakakapagod na
Bumalik ang lalaki sayo’ng nakaraan

Nakita ko kung gaano ka kasaya
Nakita ko ang aking mga mata na may tumutulung luha na puno ng hinagpis at pagmamakaawa
Awang awa sa sarili
Pero kahit minsan, hindi mo naman ako pinili
hitsura? yaman? oras? pasensya? pagdamay?
Yan ba ang meron siya na hindi ko maialay?
Ano? Saan? hindi ko na maisa-isa

Saan ba ako mag-uumpisa, kung hindi na ulit ako sanay mag-isa
Teka lang, mahal mo ba?
MALI, mahal mo na ba ulit?
Mahal mo na nga bang talagang talaga?
Please lang, wag mo ng sagutin
Alam ko na yung sagot

Tinanggap ko na hindi tayo para sa isa-isa’t
Kailangan ko ng mag-umpisa
Hindi sa umpisa ng ikaw at ako,
Kundi sa dulo ng TAYO.

Bibitawan kita, kasi kailangan ko na
Bumitaw ka, kasi ayaw mo na
Hindi na kita pinigilan, kasi yun ang dapat
Ang pakawalan ang taong hindi tapat

Hanggang dito nalang ang kwento nating dalawa
Dahil kagaya ng isang malayang tula
kahit kailan ay hindi na tayo magtutugma.

Image Credit

(Visited 3,390 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments